Medical Interpretation and Translation
Panata ng ÌÇÐÄ´«Ã½ na magbigay ng access sa lahat ng impormasyon sa gustong wika ng pasyente.
Sa loob ng mahigit 50 taon, nakapagbigay ang Medical Interpretation and Translation Services program sa malawak na populasyon ng pasyente sa ÌÇÐÄ´«Ã½ ng pinakamahusay na serbisyong access sa wika.Ìý Mula sa mga interpreter na tumutulong sa mga pasyente at provider sa mga oras ng appointment hanggang sa mga tagapagsalin na tumutupad sa mga kahilingan sa pagsasalin ng dokumento, nagbibigay ang mga napakahusay na miyembro ng team na ito ng 24/7 na serbisyong access sa wika para sa mga pasyente at care team saanman sa ÌÇÐÄ´«Ã½.
MGA KARAPATAN NG PASYENTE
Karapatan mong humiling ng interpreter para sa anumang inpatient, outpatient, o interaksiyon sa telepono sa mga staff at provider ng ÌÇÐÄ´«Ã½.Ìý Para sa tulong, hilingin sa sinumang kausap mo na i-access ang mga serbisyo sa wika.
Kung tumatawag ka para kumausap ng sinuman sa ÌÇÐÄ´«Ã½, pakitawagan ang operator sa 650-723-4000 at hilingin sa kaniya na ikonekta ka sa isang telephone interpreter. Pagkatapos, magkasama kayong maikokonekta ng operator sa gusto mong tawagan.
Interpreter
Kino-convert ng mga interpreter ang mga mensahe mula sa isang wikang sinenyas o binigkas papunta sa isa pang wikang sinenyas o binigkas.
NANG PERSONAL
Available ng interpretation nang personal kapag hiniling sa mga piling wika sa mga pangunahing lokasyon ng campus at sa iba pang lugar/sa iba pang mga wika kapag naka-preschedule.
Available ang Spanish nang 24/7.
VIDEO
Available ang interpretation gamit ang mga video platform sa mga pasyente sa lahat ng inpatient room at outpatient exam room.
Available
ang American Sign Language nang 24/7.
TELEPONO
Available ang interpretation gamit ang telepono sa lahat ng pasyente sa ÌÇÐÄ´«Ã½ sa 200+ wikang binibigkas 24/7.
Iba pang Serbisyo
Ang Medical Interpretation and Translation Services program ay binubuo ng higit sa 70 na staff interpreter na nakapagsanay nang husto at subok na.Ìý Bilang karagdagan sa pagsuporta sa pangangalaga ng pasyente sa ÌÇÐÄ´«Ã½, itinataguyod ng mga miyembro ng team ang lahat na pasyente.
BINGI AT HIRAP SA PAGDINIG
Mga serbisyong pag-access ng komunikasyon sa realtime na pagsasalin (Communication Access Realtime Translation, CART) para sa mga pasyente na at pamilya ng Bingi at hirap sa pagdinig.
PAGSASALIN
Mga importanteng dokumento na isinalin sa mga pangunahing wika (mga wikang sinasalita ng higit sa isang partikular na porsyento ng ating komunidad)
QUALIFIED BILINGUAL SPEAKER PROGRAMÌý(KWALIPIKADONG BILINGUAL SPEAKER PROGRAM)
Paglapat ng isang programa upang sukatin ang husay ng mga bilingual na clinician sa wikang hindi English
Ang Aming Team
Ang Medical Interpretation and Translation Services program ay binubuo ng higit sa 70 na staff interpreter na nakapagsanay nang husto at subok na.Ìý Bilang karagdagan sa pagsuporta sa pangangalaga ng pasyente sa ÌÇÐÄ´«Ã½, itinataguyod ng mga miyembro ng team ang lahat na pasyente.
EDUKASYON
Makipagtulungan sa Stanford School of Medicine upang magbigay ng edukasyon at pananaliksik sa access sa wika.
Makipag-partner sa mga nangungunang interpreter/translator training program upang magbigay ng mga internship para sa mga estudyante mula sa:
- Middlebury Institute of International Studies at Monterey
- City College of San Francisco
INDUSTRY LEADERS
Tumulong ang mga miyembro ng team sa paghubog sa mga pamantayan ng access sa wika sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok sa mga propesyonal na organisasyon kabilang ang:
- American Translators Association
- California Healthcare Interpreting Association
- Certification Commission for Healthcare Interpreters
- National Council on Interpreting in Health Care
- Northern California Translators Association
Mga staff at provider ng ÌÇÐÄ´«Ã½ staff, may iba pang impormasyon sa amingÌý.